Monday, September 6, 2010

TESTAMENTO NG MAHIMALANG MEDALYA NI SAN BENITO

ANG PINAGMULAN AT KASAYSAYAN;
SI SAN BENITO NA PINAGPALA NG DIYOS NG KANYANG NGA GRASYA AT GAYON
DIN ANG KANYANG PANGALAN AY ISANG PATRIARKA SA KANLURANG MONASTERYO
AT TAGAPAGTATAG NG ISANG ORDEN NA NAGTATAGLAY NG KANYANG PANGALAN.
SIYA AY ISINILANG SA NURSIA, ITALY NOONG 48O A.D AT NAMATAY NOONG 547 A.D
KUNG PAPAANO DINADAKILA ANG KRUS NG PANGINOONG HESUKRISTO BILANG
LAYUNIN NG DEBUSYON NG MGA UNANG KRISTIYANO AY GAYON DIN PARA KAY
SAN BENITO. ANG DEBUSYONG ITO SA MAHAL NA KRUS, ANG PALATANDAAN NG
ATING KATUBUSAN ANG NAGBIGAY-DAAN O SIMULA SA MEDALYA NI SAN BENITO.
SAPAGKAT ANG DEBUSYON SA PALATANDAAN NG ATING KALIGTASAN. GINAGAMIT
NG SANTO ANG TANDA NG KRUS UPANG MAKAGAWA NG MGA MILAGRO AT UPANG
MAPAGLABANAN ANG MGA DEMONYO AT ANG MGA PANUNUKSO. SAMAKATUWID
MULA PA SA MGA UNANG SIGLO PAGKAMATAY NIYA AY KINILALA NA SIYANG
TAGAPAGTAGLAY NG KRUS NI KRISTO AT NG BANAL NA TUNTUNIN.


MGA URI NG MEDALYA
KAHIMA'T ANG DEBUSYON SA KRUS AY KAY SAN BENITO AY PALAGING ITINA-
TAMPOK NG ORDEN NG BENEDICTINE AT ANG MGA MEDALYA NI SAN BENITO
SA ILALIM NG ISANG URI AY KINILALA NA SA SIMULA PA LAMANG NG KALA-
GITNAAN NG MGA TAON, GAYONMAN NOONG TAONG 1647 SA MONASTERYO
NG METTEN, BAVARIA AY MAY NATUKLASANG KASULATAN NG TAONG 1415 NA
NAGPAPALIWANAG SA KAHULUGAN NG MGA TITIK SA MEDALYA NA NALIMUTAN
NA SA NAGDAANG MGA TAON. ANG KASULATANG IYON AY NAGTATAGLAY NG
SAGISAG-LARAWANG KUMAKATAWAN KAY SAN BENITO NA MAY HAWAK NA KRUS
SA ISANG KAMAY AT SA KABILA NAMA'Y PARANG ISANG BANDILA O NILUKOT NA
PAPEL. SA KRUS AT PAPEL AY NAKASULAT NG BUONG-BUO ANG KAHULUGAN NG
MGA TITIK NA NAKASULAT SA MEDALYA. ANG PAGKATUKLAS NG SAGISAG-
LARAWAN AT ANG MGA TALATA AY NAGSISILBING BAGONG PAMPASIGLA O
PANGGANYAK SA HIGIT NA MAALAB NA GAYONG DIN KAY SAN BENITO.
BILANG TANDA NG DALAWANG DIBUSYON, ANG MGA ITO AY IPINAMAHAGI SA
MGA TAO. ANG MARAMI AT PAMBIHIRANG PAGPAPALA O TULONG NA NATAMO
SA PAMAMAGITAN NG BANAL NA PAGGAMIT NIYON AY NAGPALAGANAP SA
MALAWAKANG PAGKALAT NOON SA LAHAT NG SULOK NG EUROPA.
SA WAKAS, NOONG 1741 SI PAPA BENEDICT XIV AY NAPAKILOS NA IPINA-
MALAS NG DIYOS SA PAMAMAGITAN NG MEDALYA AY PORMAL NA PINAGTIBAY
IYON AT SINANG-AYUNAN AT PINAGYAMAN SA PAMAMAGITAN NG MARAMING
INDULHENSIYA
SA KASALUKUYAN AY MAY DALAWA TAYONG URI NG MEDALYA, ANG UNA
AY YAONG INILARAWAN AT PINAGTIBAY NI PAPA BENEDICT XIV NA MATATAG-
PUAN SA IBAT IBANG HUGIS AT KILALA SA TAGURING KARANIWANG MEDALYA
ANG DALAWA AY YAONG TINATAWAG NA JUBILEE OR CENTENARY MEDAL, NA
GINAWA NOONG 188O BILANG PAG-ALAALA SA IKA-14OO KAARAWAN NI SAN
BENITO. NOONG 1877 AY PINAGTIBAY AT SINANG-AYUNAN NI PAPA PIUS IX
ANG DISENYO O DIBUHO NG BAGONG MEDALYANG ITO, GAYONG DIN, DINAG
DAGAN DIN NIYA ITO NG MARAMING INDULHENSIYANG IBAYONG KAHIGTAN
SA IPINAGKALOOB NA. ANG URING ITO NG MEDALYA NG KAARAWAN (JUBILEE
MEDAL) NA IPINAGAWA SA KAPANGYARIHAN O UTOS NG ARCHABBEY NG
MONTE CASINO AY MAY KARAPATAN SA MGA NATATANGING INDULHENSIYA.
sa susunod ay medalyang kaarawan o jubilee medal--to be continued

No comments:

Post a Comment