ANG LARAWAN NG MEDALYANG KAARAWAN (JUBILEE MEDAL )
ANG JUBILEE MEDAL NI SAN BENITO AY MAY LARAWAN SA ISANG MUKHA
NG BANAL NA PATRIARKA NA MAY HAWAK SA ISANG KAMAY NG KRUS
AT SA KABILA NAMAN AY BANAL NA TUNTUNIN (HOLY RULE). SA KABILA
NITO AY MAKIKITA ANG KRUS NA MAY NAKASULAT NA MGA TITIK AT
GAYON DIN SA PALIGID NITO. ANG MGA TITIK NA IYON SA KATUNAYAN
AY MGA MAIKLING PANALANGIN NA PALAGING SINASAMBIT NI SAN BENITO
ANG MGA TITIK SA MGA ANGGULO NG KRUS, C.S.P.B. AY KUMAKATAWAN
SA MGA SALITANG CRUX SANCTI PATRIS BENEDICTE (ANG KRUS NG BANAL
AMANG BENITO) SA PATAYONG BAHAGI NG KRUS AY ANG MGA TITIK NA
C.S.S.M.L. ANG KAHULUGAN NITO AY CRUX SACRA SIT MIHI LUX (NAWAY
MAGING SULO KO ANG BANAL NA KRUS). SA PAHALANG NA BAHAGI NG
KRUS AY MAKIKITA ANG N.D.S.M.D. NA ANG IBIG SABIHIN AY NON DRACO
SIT MIHI DUX ( HUWAG SANANG DRAGON ANG PUMATNUBAY SA AKIN)
SA PALIGID AY MAKIKITA ANG V.R.S.N. S.M.V.S.V.Q.L. I.V.B. ANG MGA TITIK
NA ITO AY KUMAKATAWAN SA MGA SUMUSUNOD VADE RETRO SATANA
NUNQUAM SUADE MIHI VANA SUNT MALA QUAE LIBAS IPSE VENENA BIBAS
(LUMAYAS KA SATANAS, HUWAG MO AKONG PAYUHAN NG MGA PALALONG
BAGAY, ANG TASANG INIAALOK MO SA AKIN AY MASAMA, IKAW ANG
UMINOM NG LASON NA YAN). ANG MGA SALITANG ITO O ANG MGA KASING
KAHULUGAN NITO ANG MAAARING GINAMIT NI SAN BENITO NOONG
GUMAGAWA SIYA NG TANDA NG KRUS LABAN SA DEMONYO AT SA PANU
NUKSO NITO. SA ITAAS NG KRUS AY MAKIKITA ANG SALITANG PAX
(KAPAYAPAAN) NA PINAKA SALAWIKAIN NG ORDEN NG BENEDICTINE NA
NAGPAPAHAYAG NG BIYAYA NA IDINUDULOT NG MEDALYA SA NAGSASABIT
NITO. SA GAWING KANAN NI SAN BENITO AY ANG MAKAMANDAG NA TASA
(POISONED CUP) NA PARANG GINULO NG TANDA NG KRUS NA GINAWA NG
SANTO SA IBABAW NITO, SA GAWING KALIWA AY MAY RAVEN NA NASA
ANYONG LILIPAD ANG ISANG MAKAMANDAG NA TINAPAY NA IPINADALA
SA BANAL NA PATRIARKA. SA ITAAS NG RAVEN AT NG TASA AY MABABASA
ANG SULAT NA CRUX SANCTI PATRIS BENEDICTE (ANG KRUS NG MAHAL
NA AMANG BENITO) SA PALIGID NG GILID AY ANG MGA SALITANG EIUS IN
OBITU NOESTRO PRAESENTIA MUNIAMUR ( SA ORAS NG AMING KAMA-
TAYAN, NAWA'Y IPAGTANGGOL KAMI NG KANYANG PAGDALO). SA GAWING
IBABA AY MABABASA ANG EX S. MONTE CASINO MDCCCLXXX. ANG ABBEY NG
MONTE CASINO (188O).
ANG GAMIT NG MEDALYA
WALANG NAIIBANG PARAAN NG PAGTATAGLAY O PAG GAMIT ANG IPINAG-
UTOS, MAAARING ISUOT ITONG PALAWIT SA LEEG, ISABIT KAYA SA ISKA
PULARYO O ROSARYO O DILI KAYA TAGLAYIN SA LUKBUTAN O PITAKA.
MAAARING ILUBOG ITO SA TUBIG O GAMOT NA IBIBIGAY SA MAY SAKIT
AT MAAARI RIN NAMANG IDAMPO SA SUGAT. KADALASAN AY INILALAGAY
ITO SA PUNDASYON NG BAHAY, GINAGAWA RING PALAWIT SA TAPAT NG
PINTUAN SA PALADING-DINGAN NG BAHAY, SA GARAHE, BODEGA AT INILA-
LAGAY DIN SA MGA SASAKYAN NA ANG IBIG SABIHI'Y TINATAWAG ANG
PAGPAPALA NG DIYOS, AT ANG PAG-SASANGGALANG NI SAN BENITO AT
ANG KAPANGYARIHAN NG PAGPAPALA NG SIMBAHAN, WALA RING IPINAG-
UUTOS KUNG ANO ANG NARARAPAT DASALIN SAPAGKAT ANG PAGTATAGLAY
NITO AY KATUMBAS NA NG ISANG TAHIMIK NA PANANALANGIN. KUNG
SAKALING MAY NATATANGING KAHILINGAN ANG NAGTATAGLAY NITO,
SIYA AY MAAARING MAG-NOVENA NA MAG-EESTASYON ARAW-ARAW O
DILI KAYA'Y MAGDADASAL NG LIMANG AMA NAMIN AT ABA GINOONG
MARIA PATUNGKOL SA LIMANG SUGAT NG PANGINOON AT MAGDASAL DIN
NG PANALANGIN, PATUNGKOL NAMAN KAY SAN BENITO, SA PANAHON NG
TUKSO, MAKABUBUTING HAWAKAN ANG MEDALYA NG ISANG KAMAY AT
HAGKAN IYON NG BUONG PAGGALANG AT USALIN ANG MAIKLING PANALA
NGING NASA MEDALYA.
(sa susunod ay bisa o kapangyarihan ng medalya) to be continued
SALAMAT PO AT NAGPOST PO KAYO ABOUT SAN BENITO.,, SANA PO LAAHAT NG MAYKINALAMAN SA MED IYO AY MAIPOST NYO PO SALAMAT PO, SANA PO PATI ANG PODER, PANAWAG , AT MGA BASAG AT SANA PO PATTI UNG KAUKULANG MAG ORA NA GINAGAMITAN NG SAN BENITO MED..
ReplyDeleteSALAMAT PO NG MARAMI,.
yaan mo ipopost ko para complete
ReplyDeletePahingi naman po ORASYON PAMPATALAS NG MEMORYA..salamat.
Deletesalamat po, magpapabili po kc ako ng med. ni san benio para po maging agimat ko..
ReplyDeleteaasahgan ko po
salamat.
Paano magagamit iyon? at anung maaring idulot nun sa nagmamay-ari
ReplyDeletetata pandakaki,
ReplyDeletemagandang araw po,me alam po ba kayo tungkol sa cuatro pilaris? eto po e-mail add ko baka matulungan nyo po ako,redbituke@yahoo.com.ph
god bless po
paano po ito magamit at anu po ang mga maaring mangyari sa gagamit
ReplyDeletePaki replay ng Lang po sa akin. Ano po ba ang dasal sa matat berhen pls. Meron kasi ako
ReplyDeletePaano po gawing mas epektibo sa pagpapalayas ng demonyo o mga sumasapi sa isang tao gamit ang dasal na basag na latin
ReplyDeleteMeron na po ako san benito medalyon nabili ko.po sa quiapo pede po ba gamitin eto sa barko bilang proteksyon sa alon at mga scammer
ReplyDelete