Wednesday, September 15, 2010

SAN BENITO ( cont. part 3 )

ANG BISA O KAPANGYARIHAN NG MEDALYA

ANG KAPAKI-PAKINABANG NA BISA NG MEDALYA AY NAGAWA SA PAMAMAGITAN
NG PASYON NG ATING PANGINOON, ANG KAGALINGAN AT PAMAMAGITAN NI
SAN BENITO AT ANG PAG-PAPALA NG SIMBAHAN. ISINASAMO SA DIYOS NA
ILIGTAS ANG MGA NAG-SUSUOT NG MADALYA SA LAHAT NG BITAG NG TUKSO
AT DEMONYO; IPAGSANGGALANG SA KIDLAT AT SIGWA, SA SALOT, SAKIT AT
PAG-KALASON, AT IPAGKALOOB ANG KANYANG PAGPAPALA NG PANGKATAWAN
AT PANG-ISPIRITU O KALULUWA. MAKIALAWANG ULITIN NG SIMBAHAN ANG
KAHILINGAN NA SILA AY MAKALIGTAS SA BITAG NG DEMONYO NA TILA SIYANG
PINAKAMAHALAGANG LAYUNIN NG MEDALYA. HINDI NA MABILANG NA MGA
PANGYAYARI ANG MAKAPAGPAPATOTOO NA ANG BANAL NA PAG-GAMIT NG
MEDALYA NA KALAKIP ANG PAGTAWAG KAY SAN BENITO, SA LAHAT NG PAG-
KAKATAON AY NAPAKABISA SA PAG-IWAS SA KAPAHAMAKAN SA KATAWAN AT
KALULUWA. AT SA PAGKAKAMIT NG MGA PANGKATAWAN AT PANGKALULU-
WANG KAHILINGAN.

MGA INDULHENSIYA

( pagpapatawad sa parusang dapat kamtam o danasin pagkatapos mapatawad na ang
kasalanan )
NANGANGAILANGAN NG MAHABANG PAG-SASALAYSAY ANG PAG-TATALA NG
MGA INDULHENSIYA NA IPINAGKALOOB NG SIMBAHAN SA MEDALYA. IYON
LAMANG PINAKAMAHAHALAGANG BAGAY ANG BABANGGITIN DITO. HINDI NA
KAILANGANG KUNG ANU-ANO ANG MGA INDULHENSIYA NG ATING KAKAMTIN
LIBAN NA LAMANG KUNG MAY SAGABAL SA INDULHENSIYANG PLENARYO
(GANAP) KUNG SAAN BUKOD PA SA PAG-TATAGLAY NG MEDALYA AY MAY MGA
KINAKAILANGAN PANG GAWIN, TULAD NG PAGKUKUMPISAL, PAGKUKUMUN
YON AT PAGDALAW SA SIMBAHAN AY IPINAG-UUTOS. ANG KINAKAILANGAN
LAMANG UPANG MATAMO ANG INDULHENSIYA LIBAN SA PAGIGING NASA
GRASYA NG DIYOS AT ANG PAG-TATAGLAY NG MEDALYA AY ANG PAG-GAWA
NG PANG-KALAHATANG MITHIIN NA MATANGGAP ANG LAHAT NG INDULHEN-
SIYANG MAAARING MAKAMIT SA ARAW NA IYON.

ANG PAG-BEBENDISYON NG MEDALYA ( consacracion )

ANG TULONG NATIN AY SA NGALAN NG PANGINOON,
NA SIYANG MAY GAWA NG LANGIT AT NG LUPA
INAALISAN KITA NG MASAMANG ISPIRITU, OH MEDALYA NG DIYOS AMANG
MAKAPANGYARIHAN, NA MAY GAWA NG LANGIT AT LUPA AT NG LAHAT NG
BAGAY NA NAROROON. NAWA'Y LAHAT NG LAKAS NG MGA KAAWAY, ANG
LAHAT NG MAKA-DEMONYONG ANYAYA, LAHAT NG PAG-SALAKAY, LAHAT
NG MGA GUNI-GUNI NI SATANAS AY MAAALIS SA MEDALYA, NA ITO AY
MAGING KAPAKI-PAKINABANG SA KASALUKUYAN SA KAISIPAN AT KATAWAN
SA GAGAMIT NITO; SA NGALAN NG AMA+ MAKAPANGYARIHAN, AT NI JESUS +
CRISTO, ANG KANYANG ANAK AT ATING PANGINOON AT NG BANAL NA
ESPIRITU + ANG PARACLETE, AT SA PAG-KAKAWANG GAWA NI JESUCRISTONG
PANGINOON NA SIYANG PAPARITO AT HUHUKOM SA MGA NABUBUHAY AT
NAMAMATAY NA TAO, AT SA DAIGDIG SA PAMAMAGITAN NG APOY. SIYA NAWA
TAYO"MANALANGIN;
MAKAPANGYARIHANG DIYOS, TAGAPAMAHAGI NG MABUBUTING BIYAYA,
BUONG PAKUMBABA NAMING HINIHILING SA IYO NA SA PAMAMAGITAN
NI SAN BENITO, IPAG-KALOOB MO SA MEDALYANG ITO ANG ITONG + BEN
DISYON, UPANG ANG LAHAT NG MAGTATAGLAY NITO AT PAGSISIKAPANG
GAWIN ANG MGA GAWAIN AY MAGING DAPAT KAMTIN ANG KALUSUGAN
NG KATAWAN AT PAG-IISIP, ANG GRASYA NG KABANALAN AT ANG MGA
INDULHENSIYANG IPINAG-KAKALOOB SA AMIN; GAYON DIN, PAGSIKAPAN
NILA SA PAMAMAGITAN NG IYONG MAHABAGING TULONG AY MAIWASAN
NILA ANG MGA BITAG NG PANDARAYA NG MGA DEMONYO, AT HUMARAP
SILANG BANAL AT WALANG DUNGIS SA INYONG PANINGIN, SA PAMAMAGITAN
NI CRISTONG AMING PANGINOON. SIYA NAWA.
PAGKATAPOS NITO AY WISIKAN ANG MEDALYA NG BENDITADONG TUBIG.

SA MGA ANTINGERO O SA MGA MAY KAKAYAHANG BUMUHAY NG MGA
MEDALYA, GINAGAMIT DIN ITO BILANG PROTEKSYON SA BARIL, BIBINYAGAN
MO LANG KUNG PARA SAAN MO GAGAMITIN, AT MAYROON DIN NAMANG
SARILING MGA SALITA NA GINAGAMIT NA PANG-CONSAGRA O PANG-BUHAY.

No comments:

Post a Comment