Wednesday, June 16, 2010

PATER NOSTER, SANTUS DEUS

OH AMANG WALANG HANGGAN, PUNO KA PONG PINAGMULAN GANAP SA KAPANGYARIHAN
AT LUBOS NA KARUNUNGAN, SA SINAG MO PO AT PAGKA DIOS NA WALANG MAKATATAROK
MAY ROSAS KAPONG IBINUKOD HARI ET REYNA KA PO NITONG SANSINUKOB, AT NAGKUSA
KA PONG SUMIKAT AT NAGBIGAY LIWANAG SA MUNDO'Y ALIWALAS NA SIYANG SUNDIN
NG LAHAT, NA DI NGA SUKAT MALIRIP NG MGA SANTOS AT SERAFINES ANG KALIGA-
YAHAN AY DIKIT NA WALANG MAKABABATID, NAKISAMA KA PO AT NAKIPISAN SA TAONG
HAMAK NA LAMANG AT NG IKAW PO ANG SIYANG TULARAN NG KABANAYARANG ASAL
UMAKO NG AMING SALA, SA MUNDO'Y NAKISAMA NG PAG-AARAL SA LAHAT NA,
ESPIRITU SANTONG MAHAL LOOB PO NAMIN AY INYONG BUKSAN, KAMI PO'Y INYONG
ALALAYAN SA PAGGISING, MATIBAY AT MATANIM PO SA AMING ISIP ANG KAHARIAN
NG LANGIT, SA LIGAYANG WALANG PATID KAMI PO NAMAN AY MASANIB, AT YAMANG
KAMI PO'Y INYONG KINAPAL DITO SA MUNDONG IBABAW HUWAG MO PO KAMING PABA-
BAYAAN SA DIMONYONG AMING KAAWAY, AT ANG GAWA PO NAMING LAHAT NA AY KAYO
PO ANG SIYANG NAKAAALAM, KAYA PO AMING AMA DIOS NG TATLONG PERSONA KAMI
PO'Y NAG-MIMISERICORDIA PATAWAD PO KAMI SA SALA.
INANG MIHITANA, INANG MIKITANA, SANTA MITARA IKAW PO ANG AMING ABOGADA
AT SIYA NAMING DEPENSORA NG KATAWAN PO NAMIN AT KALULUWA, KAYA PO OH INA
NAMIN ANG HINGE PO NAMIN AT HILING KAMI PO AY INYONG AMPUNIN SA INYO PO
KAMI MAHINGGIL.
DECLERITUM DOMINUS MINISTRUM DEUM DEO
KIRIE- ELEYSON, CRISTE- ALEYSON, KIRIE- ALEYSON, SECUNDUM EN ESTE GLORIA
PADRE, GLORIA HIJO, GLORIA ESPIRITU SANTO, SANCTOS DEUS, SANCTOS FORTIS,
SANCTOS IMMORTALIS, MISERERE NOVIS.+

3 comments:

  1. sir kapag gumagamit ba ng orasyon cabal ..hindi ba makakaaepekto yan sa swerti..example pag may negosyo ako ..hindi ba yan nag kaka pag babagal ng customer ..sa narinig ko kasi kapag gumagamit ka daw ng cabal para na ring ang swerti di tatalab sayo..salamat po..sana matulongan ninyo ako.. may negosyo ako hindi po ako gumagamit ng orasyon.ngayon lng ako nag iinteresado kasi sa tulong niyo ng nagbigay dito sa site ng free orasyon.sana po matulongan niyo ako minsan na ho ako bumagsak ang negosyo ko at ayaw ko ng maulit..di ba contra ang pang cabal na orasyon kapag merong kang negosyo di ba iilap ang customers at saka ang kita..sana may pangontra din rito na orasyon..para di iilap ang swerti.salamat sir...email..sanchezjennifer888@yahoo.com

    ReplyDelete
  2. Sir ano po ba ang dasal ng gagawa ka ng banal na lana ng niyog?

    ReplyDelete
  3. Sir ano magndang dasal pra mgpaibig ng babae

    ReplyDelete